Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Agusan del Norte nitong Lunes ng gabi, Hulyo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:57 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Jabonga, Agusan del Norte, na may lalim na 14 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.