DOLORES, Quezon -- Nasawi ang tatlong katao at dalawa nang sugatan sa banggaan ng mini-truck at tricycle sa Barangay Sta. Lucia rito, nitong Lunes ng umaga, Hulyo 10.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dondon Corona, Thomas at Jerrylyn Villanueva habang ang mga sugatan naman ay sina Lito Vergara at William Enrique, ayon sa ulat ng Dolores PNP.

Dagdag pa ng ulat, minamaneho ni Corona ang trak na Isuzu Forward na may plakang TEX644 habang minamaneho naman ni Enrique ang tricycle.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dakong alas 10:10 ng umaga, ang trak na kargado ng semento at hollow blocks ay sumalpok sa tricycle at dumiretsong bumangga sa bahay ng mga Villanueva, ayon kay Police Chief Master Sergeant Marcelino Enobal, may hawak ng kaso.

Sina Vergara at Enrique ay kapuwa isinugod sa pagamutan ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng local disaster management office. 

Idineklarang dead on the spot naman sina Corona at dalawang Villanueva, ayon sa ulat.