Mapapasana-all na lang talaga ang netizens nang regaluhan ng bagong sasakyan ng content creator na si Gavin Capinpin o mas kilalang “Ser Geybin” ang bunso niyang kapatid na si Kelzy Capinpin bilang graduation gift sa kaniya.

Sa Facebook post ni Ser Geybin nitong Sabado, Hulyo 8, makikita sa larawan nilang buong pamilya ang all-smile at sayang nararamdaman ng bawat isa habang nasa likuran naman nila ang nasabing bagong sasakyan na regalo para kay Kelzy.

Ayon pa kay Ser Geybin, deserve na deserve iyon ng kapatid niya dahil tinupad nito ang pangakong makapagtapos ng pag-aaral sa kaniyang mga magulang.

“Congratulations Capt. Kelzy!Deserve na deserve mo yan, salamat rin at tinupad mo pangako mo kay Mama at lalo na kay Papa. Isang graduate nalang yung college, ako bahala sayo. ,” anang Ser Geybin.

National

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa comment section:

“Congratulations, Capt. Kelzy! Kudos din sayo Ser Geybin the best ka talaga na kuya.”

“Congratulations, Kelzy! Your kuya really made your day. One more graduation in college pa. Good luck in your next journey!”

“Congratulations, sana all.”

“Congrats, kelzy. Napaka swerte mo at my kuya ka na mabait at very supportive sa lahat ng bagay. God bless Sir Geybin.”

“Congratulations, Capt. Kelzy!”

Mapanonood naman sa Facebook post ng kanilang kapatid pang si Allen Capinpin ang ginawa nilang naturang pagsorpresa.