Dumagsa ang libu-libong “Swifties” sa isang shopping center sa Maynila noong Biyernes, Hulyo 7, upang tunghayan umano ang pagtatanghal ni Taylor Sheesh, isang Philippine drag queen na gumagaya kay multi-Grammy award-winning American singer-songwriter Taylor Swift.

Sa ulat ng Agence France-Presse, nagsimulang gayahin ni Sheesh, may tunay na pangalang Mac Coronel, si Swift noong 2017.

Sumikat ang 28-anyos na drag queen matapos mag-viral ang footage ng kaniyang pagtatanghal sa animo'y sarili niyang bersyon ng “The Eras Tour” noong Mayo.

"She's so very popular here," ani Coronel sa AFP, kasabay ng paglalarawan niya sa Pilipinas bilang "Taylor nation.”

Metro

3 katao, arestado sa pamemeke ng PWD IDs

"We all know that (for) every situation... there's always a Taylor Swift song," saad pa niya.

Para naman sa Filipino "Swifties" na tumangkilik sa naturang pagtatanghal ni Sheesh, ito umano ang pinakamalapit na mapupuntahan nilang "The Eras Tour" ni Swift matapos mapabalitang hindi kasama ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pupuntahan ng singer-songwriter para sa kaniyang tour sa susunod na taon.

Ginanap ang nasabing pagtatanghal ni Sheesh noong Biyernes, kung kailan ni-release ni Swift ang kaniyang album na “Speak Now (Taylor’s Version).”

MAKI-BALITA: Taylor Swift, ni-release na kaniyang ‘Speak Now (Taylor’s Version)’ album