Sa biglang tingin, aakalaing may hawak na isang basket na punumpuno ng hinog na mangga ang artist na si Dan Paul Gonzales ng Davao City, subalit ito pala ay obra maestra niya---isang hyperrealistic mango artwork!

Hinangaan ng mga netizen si Dan Paul matapos niyang ibahagi ang litrato ng kaniyang likhang-sining sa isang online community ng mga artist, gayundin sa TikTok.

Bukod pa rito, hindi naging hadlang ang pagiging "deaf" ni Dan Paul upang mas pagbutihin pa ang kaniyang craft at talento s pagpipinta, na siya niyang ikinabubuhay sa pamamagitan ng commission.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa panayam ng Balita kay Dan Paul, sinabi niyang tatlong buwan ang ginugol niya bago matapos ang obra maestra. Gumamit din siya ng oil/acrylic sa canvas.

Hindi lamang ito ang kaniyang obra kundi marami pang iba, na masisilip sa kaniyang Facebook account.

Karamihan sa mga ipinipinta niya ay mga bagay na makikita sa kalikasan gaya ng mga prutas, hayop, at iba pa.

Pitong taong gulang ay mahilig na siyang puminta, at ito raw ang naging daan upang maipahayag niya ang mga emosyon at nais sabihin.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!