Ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center ang pagpirma ng kanilang alagang si "Eat Bulaga!" host Paolo Contis sa TAPE, Inc. kasama ang isa pang host nitong si dating Manila City Mayor Isko Moreno, ng isang long term contract sa nabanggit na kompanya.

Batay sa caption na mababasa opisyal na Facebook page ng talent management arm ng Kapuso Network, long term contract ang pinirmahan ng dalawa, nitong Sabado, Hulyo 8, 2023.

Nangangahulugan itong magtatagal pa sa pag-ere ang Eat Bulaga! bagay na nilinaw na rin ng legal counsel ng mga Jalosjos.

"Sparkle artist Paolo Contis signs a long term contract with Eat Bulaga ✍️," mababasa sa Facebook post.

National

'Carina,' mas lumakas pa; 3 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1

"Present at today’s contract signing event are Sparkle GMA Artist Center’s Vice President Ms. Joy Marcelo, Senior Talent Manager Ms. Tracy Garcia, TAPE’s Chief Financial Officer Bullet Jalosjos, Chief Executive Officer Jon Jalosjos, and Atty. Maggie Abraham-Garduque," dagdag pa.