Nasamsam ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang illegal na tabla sa San Fernando, Romblon kamakailan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa Facebook post ng PCG, nadiskubre ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Cajidiocan at DENR Sub-Station Sibuyan ang mga undocumented lumber sa tabing-dagat sa Barangay Mabolo nitong Hulyo 7.

Sa intelligence report na natanggap ng PCG, nakatakda sanang i-deliver ang mga illegal na tabla sa Boracay Island nang madiskubre ito ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya na ng DENR outpost sa Romblon ang nasamsam na forest products.

Nitong Enere 21, nakakumpiska rin ang DENR at PCG ng mga nilaring tabla sa baybayin ng Brgy. Campalingo, San Fernando matapos abandonahin ng mga illegal logger.

Nangako rin ang DENR at PCG na paiigtingin pa nila ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal logging sa nasabing lugar.