“Friends until the very end...”

Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang kindergarten class of 1938 ng Sadler Elementary School sa United States dahil sa ipinakita umano nila sa buong mundo ang kahulugan ng “pagkakaibigan hanggang sa huli” matapos nilang mag-class reunion nang 83 magkakasunod na taon.

Sa ulat ng GWR, nasungkit ng naturang kindergarten class mula sa Alameda, California, US ang titulong “longest running class reunion.”

Kuwento naman umano ni Porter Davis, isa sa mga kasama sa kindergraten class, 27 silang magkaklase noong nasa kindergarten siya taong 1938.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“In the first get-togethers, there were 10 to 15 out of the original class of 27,” ani Davis sa GWR.

Ayon pa kay Davis, mayroong silang walong kaklase na talagang “nag-keep in touch” kada taon at dumalo sa halos lahat ng kanilang class reunion. Hanggang sa paglipas daw ng mga taon, dumalo na rin ang iba nilang kaklase para kumustahin ang buhay ng bawat isa.

“It shows how people can change their habits and the need to socialise and come together,” saad ni Davis.

Bagama't iba-iba raw ang venue ng kanilang reunion kada taon, sinabi ni Davis na nasisiyahan siyang makita ang pagbabago ng kaniyang mga kaklase sa paglipas ng mga taon at malaman ang tungkol sa mga kasal, diborsyo, mga anak, apo, at mga tagumpay at kabiguan ng isa't isa.

Samantala, nais man daw niyang ipagpatuloy ang muling pagsasama-sama ng kindergarten class, sinabi niyang nasa 90s na ngayon ang edad ng grupo at isang kaklase nila ay pumanaw na habang ang dalawa ay may sakit.

“I think there might be two of us that might get together in the future, but not for a Guinness World Records title. It would take too much organizing,” ani Davis.

Nilo-look forward na raw ngayon ni Davis ang ika-84 nilang class reunion.

“We hope to be alive to help celebrate the next school that has their 84th reunion,” saad pa niya.