“It's a bird, it's a plane, it's a Golden Birdwing! 🦋”

Namataan sa Masungi Georeserve ang isang Golden Birdwing, isang Philippine-native butterfly species na minsa’y napagkakamalan umano bilang ibon dahil sa taas ng lipad nito.

“This Philippine-native butterfly species typically flies high, which sometimes leads us to mistake it for a bird. 🐦, anang Masungi sa kanilang Facebook post nitong Linggo, Hulyo 9.

“Apart from its notable size, the Golden Birdwing (𝘛𝘳𝘰𝘪𝘥𝘦𝘴 𝘳𝘩𝘢𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘶𝘴) possesses wings adorned in vibrant hues of gold and black, sometimes with feather-like patterns✨,” dagdag pa.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang naturang paruparo ay mayroon umanong kahanga-hangang malapad na pakpak na siyang kadalasang nakapupukaw ng atensyon at paghanga mula sa mga taong nakasisilay rito.

“With its elusiveness, this species presents a unique challenge for documentation,” anang Masungi.

“The presence of butterflies in Masungi indicates that the conservation area has a healthy ecosystem,” saad pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.