Isa sa mga rebelasyon ng tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si Kapuso star David Licauco ang tungkol sa pagkakaroon niya ng sleep disorder.

Naganap ito sa "Lie Detector Test" vlog ng kapwa Kapuso star na si Bea Alonzo na umere nitong Hulyo 9.

Napadako sa paksang ito sina David at Bea nang banggitin ng huli ang pag-guest sa vlog niya ni Barbie Forteza, ang katambal ngayon ni David.

Espekulasyon kasi ng mga netizen na si David ang tinukoy ni Barbie na isang nakatrabahong kinairitahan niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bagay na inamin naman ni David at alam niyang siya ang tinutukoy ni Barbie dahil sa pagiging pasaway niya noon.

Nang usisain ni Bea, in all honesty namang sinabi ni David na lagi kasi siyang late sa taping noon sa mga napagsamahan nilang proyekto, at hindi siya nagso-sorry.

Dito na isiniwalat ni David ang pagkakaroon niya ng "sleep apnea" na naipaliwanag na rin niya kay Barbie noon.

"May sleep apnea kasi ako," sey ni David.

Ang sleep apnea ay "potentially sleep disorder in which breathing repeatedly stops and starts," ayon na rin sa inilakip na depinisyon dito ni Bea sa kaniyang vlog.

Paliwanag pa ni David, naranasan niyang hindi makahinga sa loob ng halos 30 segundo, at nangyayari ito 24 times in an hour.

"All throughout the night, hirap ako eh, so stressed ako. Paggising ko ng umaga, I'm stressed also, I have to work-out, I have to mediate... to be able to be normal."

Mahiyain din umano si David na mag-approach sa mga tao kapag nasa taping, kaya namisinterpret din umano ni Barbie ang tanong niya rito kung breadwinner ba siya sa pamilya. Iyon daw ang unang pagtatangka pa niyang magbukas ng kumbersasyon dito.

MAKI-BALITA: Bea, nanawagan sa GMA-ABS, pagsamahin ang FiLay at DonBelle