Isang ganap na lungsod na ang Carmona sa Cavite.

Ito ay nang paboran ng mga residente ang idinaos na plebisito nitong Hulyo 8.

Sa resulta ng plebisito na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ng gabi, nasa 30,363 botante, o 96% ng kabuuang 31,632 botante, ang sumuporta para sa ratipikasyon ng Republic Act 11938, o ang batas na nagko-convert sa Carmona bilang isang component city ng lalawigan ng Cavite.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 1,016 indibidwal naman ang tumutol.

Ayon sa Comelec, nakapagtala sila ng voter turnout na 53.9 porsyento mula sa 58,691 registered voters.

Nitong Pebrero 23, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang RA 11938.