Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 26 pa na pagyanig ang naramdaman sa Mayon Volcano sa nakaraang monitoring period ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naitala rin nila ang 303 rockfall events at tatlong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events.

Umabot din sa 2.8 kilometro ang ibinugang lava ng bulkan sa bahagi ng Mi-isi Gully. Tinabunan din ng 1.3 kilometrong lava ang Bonga Gully.

Nagbuga rin ng 1,145 toneladang sulfur dioxide ang Mayon Volcano nitong Hulyo 8.

Bukod pa ang 1,000 metrong taas ng usok na pinakawalan ng bulkan.

Pinayuhan ng ahensya ang mga residente na huwag nang magpumilit na pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa nakaambang pagsabog ng bulkan anumang oras.

Nananatili pa rin sa level 3 ang alert status ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.