Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Albay nitong Linggo ng gabi, Hulyo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:48 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Rapu-rapu, Albay, na may lalim na 5 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Intensity III - City of Legazpi, Albay

Intensity II - Prieto Diaz, Sorsogon

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.