Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Anim katao ang naaresto matapos masamsaman ng ₱7.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa karagatang bahagi ng Zamboanga City nitong Sabado ng gabi.

Sa police report, nakilala ang mga suspek na sina Sukrimar Jose, 33; Kiram Sali, 54; Masaron Sahiron, 39; Ayyub Abbas, 69; Jun Alpa, 55; at P.J. Milagrosa.

Sa pahayag ni Zamboanga City Police chief, Co. Alexander Lorenzo, nagsagawa ng anti-smuggling operation ang pulisya, kasama ang mga sundalo at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa karagatang bahagi ng Barangay Manalipa, dakong 11:15 ng gabi.

Namataan ng mga ito ang kahina-hinalang bangkang "FB Harayana" na sakay ang anim katao.

Nang inspeksyunin, natuklasang karga ng bangka ang kahun-kahong sigarilyo na kaagad na kinumpiska matapos mabigong magharap ng papeles ang mga suspek.

Patungo na sana sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang mga suspek sakay ng bangka mula sa Jolo, Sulu upang i-deliver ang mga puslit na sigarilyo nang maharang sila ng mga awtoridad.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang anim na suspek, ayon sa pulisya.

PNA