Wala na sa minimum operating level na 180 metro ang tubig ng Angat Dam.

Sa pahayag Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, nasa 179.99 metro na lamang ang lebel ng tubig ng nasabing water reservoir, mas mababa kumpara sa naitalang 180.45 metro nitong Hulyo 7.

Nauna nang nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) na magbabawas sila ng water allocation mula sa Angat Dam kung hindi na mapanatili ang minimum operating level nito.

“If the dam’s water level decreases below the minimum operating level of 180 meters, the Metropolitan Waterworks and Sewerage System will revert to its regular allocation of 48 cubic meters per second (cms) of water until the end of July from their current allocation off 50 cms,” paliwanag ng NWRB.

“[Meanwhile,] the National Irrigation Administration will have an allocation of up to 20 cms until the end of July. NIA has a current water allocation of up to 28.5 cms this month,” dagdag ng ahensya.

Nanawagan na rin ang pamahalaan sa publiko na makibahagi sa pagsusulong na tipirin ang tubig sa pinagkukunan nito upang gaanong maramdaman ang epekto ng El Niño.

Iminungkahi rin ng NWRB ang ilang paraan sa pagtitipid ng tubig upang mabawasan ang epekto ng nasabing climate phenomenon na nagdudulot ng malawakang tagtuyot at mas mataas na temperatura sa bansa: Pag-iimbak ng tubig-ulan, bawasan ang paggamit nito, ayusin ang mga tagas, at epektibong paggamit ng irrigation system.

Ellalyn De Vera-Ruiz