Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Hulyo 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:13 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 113 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.