Naabo ang isang residential area sa Parañaque City nitong Sabado ng hapon.

 

Dakong 2:30 ng hapon nang biglang sumiklab ang isang bahay sa Lorenzana compound, San De Coastal sa Barangay San Dionisio, ayon Parañaque City Police chief Col. Renato Ocampo.

 

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Aniya, kaagad na nagresponde ang mga tauhan nito upang magbigay ng seguridad sa lugar.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog, ayon kay Ocampo.

Wala pang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente na iniimbestigahan pa rin ng Bureau of Fire and Protection (BFP).

Jean Fernando