Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey sa celebrities na tila nakagawa na ng kaniyang "Threads" account na itinapat ng Meta sa sikat na social media platform na "Twitter" ni Elon Musk.

Ani Pia, sana raw ay mas payapa sa nabanggit na socmed platform at wala nang magkalat na trolls.

"Finally a place where we can write down our thoughts and not get death threats for having an opinion," pahayag ni Pia sa kaniyang Threads account, na may rolling eye emoji.

"Hopefully Meta can keep this app troll-free!" dagdag pa niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Screenshot mula sa Threads account ni Pia Wurtzbach via Fashion Pulis

Kasunod ito, ibinahagi ni Pia ang kaniyang storytime sa "worst experience" sa paggamit ng Twitter.

"I'll go first- getting hate tweets literally every 30 seconds in 2020 when I voiced out my opinion on the Anti-Terror Bill," pahayag ni Pia.

"I remember not even shading the govt. or the president. I just tweeted a hashtag and got so much hate."

"One of the worst was '(saksakan) ko ng tubo p*ke mo, bobo ka walang alam.'"

"I had to uninstall the app for a week to avoid checking the mentions."

Ang Anti-Terror Bill noon ay naging "Anti-Terrorism Act of 2020" o Republic Act No. 11479 matapos itong lagdaan bilang batas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, Hulyo 3, 2020. Layunin nitong masawata, mapagbawal, at maparusahan ang mga taong gumagawa umano ng "terorismo" sa bansa.

Bukod pa rito, isang Twitter user naman ang nang-stalk sa kaniya at hindi siya tinantanan sa bashing, na pati ang kaniyang mga kapamilya, kaibigan, pati na endorsements at brands na nagtiwala sa kaniya ay dinadamay na.

"It was wild," ani Pia.

"I reported many MANY times with clear evidence but Twitter did nothing. It was clearly slander & abusive behavior. I had to sit there & take it for years," dagdag pa niya.

Screenshot mula sa Threads account ni Pia Wurtzbach via Fashion Pulis