Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, Hulyo 7, ang naiulat na pagbaba ng unemployment rate sa bansa nitong buwan ng Mayo.

Matatandaang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes na bumaba sa 4.3% ang unemployment rate sa bansa nitong Mayo mula sa 4.5% na naitala noong buwan ng Abril.

MAKI-BALITA: Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 4.3% nitong Mayo – PSA

“Ang una talagang priority sa atin is maghanap ng trabaho. Kaya’t lahat naman ng ating ginagawa sa ekonomiya ay para mabigyan hindi lamang ‘yung underemployed na klase na trabaho, kundi ‘yung magandang trabaho na may future, may benefits, lahat ‘yan,” pahayag ni Marcos. 

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

“Kaya’t nakakatuwa naman at dahan-dahan ay umaakyat ‘yung numero ng employed dito sa Pilipinas,” dagdag niya.

Sinabi rin ng Pangulo na kinakailangan ng tuloy-tuloy na economic activity upang makabuo umano ng mga trabaho na magbubunga rin ng pag-unlad sa bansa.

“Kailangan magkaroon ng economic activity para magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan. And slowly, slowly. Hindi naman basta’t sinabi natin, mangyayari. Kaliangan marami pa tayong kailangan talagang gawin,” ani Marcos.

“The bureaucracy, the economy are complicated systems that need time to adjust to the initiatives that we have introduced in terms of policy, in terms of digitalization, in terms of the new skills and processes that we want to adopt for the issues that have been raised in terms of making the Philippines a more investor-friendly place,” saad pa niya.