SARIAYA, QUEZON -- Pinagbabaril ang isang barangay chairman makaraang pagsabihan umano ang isang lalaki dahil sa umano'y hindi magandang ugali nito sa basketball tournament sa Barangay Guis-Guis San Roque dito nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 7.


(Larawan mula sa Quezon PNP-PIO via Danny Estacio)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Benedicto Alcaide Robo, 62-anyos.

Sa initial sa imbestigasyon, nilapitan ng biktima ang suspek na si Marvin Fajarda Flores, alyas "Pong-Pong," na may edad 40-50, at residente ng Barangay Bignay 2 dito, upang bigyan-babala dahil sa umano'y hindi maayos na pag-uugali nito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo nang lumabas sa basketball court ang biktima para kumain at doo'y kinompronta siya ng suspek at saka pinagbabaril nang malapitan.

Tumakas si Flores habang dinala naman si Robo sa isang ospital ngunit namatay ito habang ginagamot dahil sa mga tama ng bala.

Nagtalaga na ang tracker team ang pulisya at inihahanda ang kasong pagpatay laban sa suspek.