Nagdudulot ngayon ng iba't ibang saloobin, pananaw, at diskusyunan ang naging pahayag ni Unkabogable Star Vice Ganda hinggil sa poverty o kahirapan, dahil sa naging tugon naman ng isang contestant ng "Rampanalo" segment sa "It's Showtime" noong Hulyo 3.

Kinumusta kasi ni Vice ang contestant tungkol sa kalagayan nito.

"Opo, Meme Vice. Kahit mahirap, kahit sa isang araw, isa o dalawang beses lang po kami (kumakain) okay naman po. Masarap mabuhay bilang mahirap,” saad ng contestant.

Nang tanungin ni Vice kung ayaw ba niyang yumaman, sinabi ng contestant na masaya naman daw maging mahirap.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagay na hindi sinang-ayunan ni Vice.

"Iko-correct lang natin ‘yan ah. Kasi hindi tama yung sinasabi nating okay naman maging mahirap. Alam mo ang okay lang na nararamdaman ng maraming mahirap, okay kasi mahirap sila pero nagmamahalan silang pamilya, okay yun."

“Mahirap sila pero mabuting tao sila, okay yun. Mahirap sila, pero mahal sila ng nanay at tatay nila, okay yun. Mahirap sila at nakakapag-aral sila, okay yun. Pero kung may pagkakataong maging mayaman, ayaw mo ba yun?”

Nang subukin pang magpaliwanag ng contestant na nagngangalang Arnold, sinansala na ito ni Vice at sinikap na maituwid ang mindset nito.

“Kaya ‘wag mong sasabihing, ‘Okay, masarap maging mahirap.’ Kasi hindi totoo ‘yan. Mali yun, mali. Maling mentality, ha. Mali ang mentality na mahalin natin ang pagiging mahirap dahil hindi. Maraming pagkakataon sa buhay natin na hirap na hirap tayo dahil sa kondisyon ng ating pamumuhay."

“Mindset, mindset, mindset! ‘Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa rin.’ Huwag nating i-romanticize ang poverty,” giit ng komedyante.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"You have a great voice to all, Vice Ganda!"

"Iba-iba ang sitwasyon ng buhay natin, puwede mong sabihin na ikaw dumaan din naman sa hirap pero nagsikap ka lang kaya ka umangat, may ibang tao na kakaibang hirap ang buhay kaya kahit anong gawin talo talaga, so meaning wag mo ikumpara ang buhay mo sa buhay ng iba, dahil magkaiba 'to."

"Wala nang bayad yung university today. Free tuition na."

"I need these thoughts para mas maging aware mga Filipinos. Poverty is not okay! Deserve natin ng comfortable life."

"Never okay! So strive for things you deserve. Experience the comfortable life and see the difference with the current situation. Next stop, think how you will reach it."

"EXACTLY! Let us NOT deprive ourselves of having the best life that we can have! As long as we remain as good people, we deserve to live our life in the best way possible!"

"Nasasabi mo lang 'yan Vice dahil maraming oportunidad na nagbubukas sa iyo. Pero may mga taong kahit anong kayod, wala pa rin talaga, kaya hindi na sila nagkaroon ng inspirasyon para umangat sa kalagayan nila."

"Karamihan sa mga Pilipino ganito ang mindset. Saka, bakit kapag mayaman na ang isang tao, sinasabihang mayabang at masama na ang ugali?"