Emergency cash transfer para sa mga evacuee sa Albay, inaapura na! -- DSWD
Pinag-aaralan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang implementasyon ng emergency cash transfer (ECT) program para sa mga evacuee na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sa pahayag ng DSWD, nakipagpulong na ang regional office nito sa Bicol sa mga social welfare and development officer ng mga local government unit (LGU) sa Albay para sa implementasyon ng programa.
Binanggit ng ahensya, layunin ng programa na matugunan ang pangangailangan ng mga evacuee, katulad ng pagkain at gamot sa panahon ng kalamidad.
Kamakailan, lumikas ang libu-libong residenteng nasa palibot ng Mayon Volcano dahil na rin sa tumitinding pag-aalburoto nito.