Wala nang nakitang kaso ng bird flu sa Capiz, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa DA Memorandum Circular No. 27, ligtas na sa avian influenza ang lalawigan mahigit pitong buwan mula nang maitala ang unang kaso nito sa Roxas City sa Western Visayas.

Kaugnay nito, nanawagan si DA-Region 6 director Dennis Arpia sa lahat ng local government unit (LGU) at sa mga poultry raiser sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental na protektahan ang poultry industry laban sa iba't ibang sakit, katulad ng bird flu.

Tiniyak din ng opisyal na may sapat na suplay ng manok at itlog ang Western Visayas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tara Yap