Natatandaan mo pa ba ang mga umuso at talagang kinahumalingang fashion trends sa mga paaralan noong early 2010?

Mahalaga ang fashion sa bawat indibidwal dahil isang pamamaraan ito upang ipakita o ipahayag ang sarili sa tao. 

Unang-una na sa listahan ay ang “Varsity Jacket” na kahit sobrang init ay talagang ipipilit i-flex noon ng mga estudyante.

Karaniwang black and white color combination ang standard para sa varsity jacket, pero dahil sa trend at pumatok ito sa mga estudyante noon, bumuhos na ang samu’t saring kulay nito.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Kapansin-pansin din dito ang kaniya-kaniyang surname ng may-ari na siyang mababasa sa likurang bahagi.

Bukod sa swag na kaakibat nito sa nagsusuot, tila matatawag ka rin na isang “mananayaw” noon dahil sa hatid din nitong dancerist vibes.

Kung medyo nakaaangat-angat at may budget ka naman noon, isa rin sa mga fashion trend ay ang ka-partner ng varsity jacket na “Domo-kun” bag na karaniwang isinasabit sa leeg ng mga estudyante.

Kapag babalikan, tila ito ang tinaguriang pinakaunang mix and match noon sa mga estudyante.

Kulay brown na hugis rectangular ang katawan nito na siyang opisyal na mascot ng “Nihon Hoso Kyokai” (Japan Broadcasting Corporation).

Nasa hugis rectangular din ang bibig nito na may anim hanggang walong ngipin na nasa triangular shape naman ang hitsura.

Hindi naman pwedeng mawala sa high school fashion trends noon ay ang tinaguriang “pambansang eyeglasses” ng mga babae na “Hello Kitty Fashion Eyeglasses” na nabibili lang sa mga bangketa sa murang halaga.

Makikita ito sa iba’t ibang kulay at karaniwang nasa isang design lang.

Mapapansin pa na kada silid-aralan ay mayroon kang makikitang babae na nagsusuot nito.

Ilan lamang iyan sa marami pang umuso at pumatok na fashion trends sa mga estudyante na hindi maitatangging masayang balikan ang mga alaala kahit paminsan-minsan.