Nakapanayam ni Ogie Diaz ang kontrobersyal niyang kumpareng si Kapuso actor-TV host Paolo Contis sa kaniyang vlog na "Ogie Inspires, na umere ngayong Sabado, Hulyo 8.

As usual ay umikot ang panayam sa mga kinasangkutang isyu kay Paolo, lalo na sa kaniyang personal na buhay-pag-ibig at ama, at pagiging host ng "Eat Bulaga!"

Natanong ni Ogie kung ano ang reaksiyon niya sa kumalat na patutsada sa kaniyang "namimigay siya ng premyo pero hindi ng sustento."

May kinalaman ito sa pagpayag niyang maging host ng Eat Bulaga at mamigay ng premyo sa contestants ng segments, gayong hindi raw siya nagbibigay ng sustento sa mga anak sa dating karelasyong sina Lian Paz at LJ Reyes na may kani-kaniyang buhay na.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Bago tuluyang sumagot si Paolo ay sinabi ni Ogie na bilang kaibigan nito, bet niya na sanang sagutin ang nabanggit na pasaring. Kaya raw nababash ngayon ang showbiz columnist dahil tila ipinagtatanggol daw niya si Paolo.

Natatawa na lamang daw si Paolo sa mga sinasabi tungkol sa kaniya ng bashers dahil wala naman daw silang alam sa mga effort na gusto niyang mangyari pagdating sa pagiging ama niya sa mga anak.

Hindi na raw siya mag-eelaborate dahil nasa mga abogado na ang tungkol sa usaping ito.

Pero giit ng Eat Bulaga! host, hindi naman niya sariling pera ang ipinamumudmod niya, o nila sa show.

"Yung nagbibigay ng papremyo, hindi ko naman pera yun eh. Pera ng production yun. Nakikita n'yo bang galing yun sa bulsa ko? Tawang-tawa ako sa konsepto na yun. Ang daming naniniwala na o, kung makapagbigay ka ng papremyo... Akin? Pera ko? Budget ng show 'yun eh," ani Paolo na ikinatawa naman ni Ogie.

Sundot pa ni Paolo, "Alam mo pangit 'tong sasabihin ko pero 'pag nakikita mo yun... bobo! Wala po akong pinatatamaan ha, I hope you get the point, Eat Bulaga budget 'yan, hindi sa akin. So anong point n'yo?"

Ang mahalaga na lamang daw ngayon kay Paolo ay ang napapasaya nila ang mga taong patuloy na sumusuporta sa Eat Bulaga!

MAKI-BALITA: Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’