Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City - Tinatayang aabot sa ₱864,000 na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Biyernes.

Hindi na isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang 33-anyos na high-value drug personality na taga-Barangay Sunlife, Naguilian, Isabela.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), inaresto nila ang suspek sa anti-illegal drug operation sa nasabing bayan matapos mahuli sa kanya ang aabot sa ₱864,00 na halaga ng shabu at marijuana.

Ikinulong muna ang suspek na nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165, ayon pa sa PDEA.
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito