Bumaba sa 4.3% ang unemployment rate sa bansa nitong Mayo mula sa 4.5% na naitala noong buwan ng Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Hulyo 7.

Sa ulat pa ng PSA, tinatayang 2.17 milyong indibidwal na may edad 15-anyos pataas ang naitalang walang trabaho sa bansa nitong Mayo.

Malaki rin umano ang ibinaba ng unemployment rate nitong Mayo ngayong taon kung ikukumplara sa datos noong Mayo 2022 na mayroong 6.0% unemployment rate.

“The May 2023 unemployment rate was the second lowest since April 2005, following the 4.2 percent unemployment rate in November 2022,” anang PSA.

Eleksyon

Manny Pacquiao, binati mga nangunang senador: ‘Nawa’y maging tapat ang inyong paglilingkod’

Pagdating naman sa datos hinggil sa employment rate, inihayag din ng PSA nasa 48.26 milyong indibidwal na 15-anyos pataas ang edad ang may trabaho sa Pilipinas nitong Mayo.

Mas mataas umano ang naturang datos kung ikukumpara sa naitalang 46.08 milyong indibidwal na may trabaho sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.