Binisita ni Senador Robinhood “Robin” Padilla nitong Biyernes, Hulyo 7, ang sikat na mambabatok ng Pilipinas na si Maria Oggay o mas kilala bilang Apo Whang-od sa Kalinga.
“Isang karangalan po ang bisitahin at makasama kayo,” ani Padilla sa kaniyang Facebook post kalakip ang ilang mga larawan kung saan magkasama sila ni Apo Whang-Od.
“Tutuparin po natin ang inyong mga kahilingan sa Buscalan,” saad pa ng senador.
Si Apo Whang-Od, 106, ay kinilala bilang pinakamatandaang tatto artist sa bansa.
Taong 2018 nang opisyal na iginawad sa kaniya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Cultural Heritage.
Si Apo Whang-od ay bahagi ng Butbut tribe sa Buscalan, Kalinga.