Imbes na makapagbigay inspirasyon ang pa-words of wisdom ng aktor-TV host na si Luis Manzano, pa-kuwela niyang ni-realtalk ang netizens.

Sa Instagram post ni Luis kahapon ng Huwebes, Hulyo 6, makikita ang screenshot ng kaniyang post mula sa Twitter na kinagiliwan ng netizens.

“Lagi niyong tandaan kung sino kasama niyo nung dumaan sa mga pagsubok, sino kasama niyo sa pinakamalungkot na moment niyo, sinong kasama niyo kung kailan puro ka iyak, kung sino nandoon nung nahirapan kayo sa buhay… Dahil baka siya nagdadala ng malas sa buhay niyo, baka siya ang pabigat sa inyo.” mababasang konteksto sa nasabing Instagram post.

Hinamon pa ni Luis na i-tag kung sino nakararanas ng ganito sa kaniyang followers.

Internasyonal

Pope Leo XIV, may Instagram na: 'Peace be with you all!'

10000000% tag niyo sino siya!” aniya.

Samu't saring reaksyon naman ang ibinahagi ng netizens sa naturang post:

“Hahahahahahahahahahahaha sabi ko na nga ba. basta si Luis magpost, wala talaga matino.”

“Grabe ka naman, ayoko itag bf ko HAHAHAHA.”

“Pero totoo naman kaya nga inalis ko na.”

“Mood ka talaga Kuys!”

“Ma-tag nga asawa ko!”

Bwisit hahahaha i-my day ko sana sa peysbuk.”

“Tried & Tested!”

Hindi naman na bago ang mga ganitong uri ng paandar na kalokohan ni Luis sa kaniyang social media accounts na ang hatid lang ay makapagbigay ng goodvibes sa kaniyang followers.