Planong ilunsad ng NASA at SpaceX ang ikapitong crew mission sa International Space Station sa darating na Agosto ngayong taon.

Sa ulat ng Xinhua, ibinahagi ng ahensya nitong Miyerkules, Hulyo 6, na sa Agosto 15 ang pinakaunang target na petsa ng paglulunsad para sa Crew-7 mission, mula sa Launch Complex 39A sa Kennedy Space Center ng NASA sa Florida.

Dadalhin ng naturang paglulunsad ang NASA astronaut at Mission Commander na si Jasmin Moghbeli at ang European Space Agency astronaut at piloto na si Andreas Mogensen.

Kasama rin umano rito ang Japan Aerospace Exploration Agency astronaut na si Satoshi Furukawa at Roscosmos cosmonaut na si Konstantin Borisov bilang mga mission specialist.
Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon