Inihayag ng Guinness World Records (GWR) nitong Huwebes, Hulyo 6, na ang YouTube star na si MrBeast ang pinakaunang indibidwal na nakaabot ng isang milyong followers sa kalulunsad lamang na “Threads” app.

MAKI-BALITA: Meta, inilunsad ‘Threads’ app na pantapat daw sa Twitter

Sa ulat ng GWR, umabot na agad ng isang milyon ang followers ni MrBeast ilang oras lamang ang nakalipas mula nang ilunsad ng Meta ang Threads nitong Huwebes.

“He reached the milestone at 2:42 p.m. (BST) / 9:42 a.m. (EST) on 6 July,” saad ng GWR.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

“While technically his wasn’t the first account to reach the number, the others belonged to organizations like Instagram and National Geographic,” dagdag nito.

Nakuha umano ni MrBeast ang milyong followers matapos mag-post sa naturang app nang tatlong beses.

Bago ang Threads, kilala na ang philanthropist na si MrBeast lalo sa kaniyang YouTube channel na mayroon nang 165 million subscribers. Kamakailan ay nag-viral ang kaniyang naging pagtulong sa isang libong indibidwal na makita muli nang malinaw ang mundo sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang operasyon sa katarata.

MAKI-BALITA: YouTube star MrBeast, tinulungang makakita muli nang malinaw ang nasa 1,000 na may katarata