Gumagawa na ng paraan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang hindi makagawa ng ilegal ang mga traffic enforcer nito.

Sa isang pagpupulong nitong Huwebes, binanggit ni MMDA chairman Romando na gagamit na sila ng body-worn camera upang masubaybayan o mai-record ang lahat ng galaw ng mga enforcer habang sila ay naka-duty sa mga lansangan sa Metro Manila.

Paliwanag ng opisyal, layunin din ng paggamit ng body camera na maproteksyunan ang mga motorista na nagnanais i-contest ang paghuli sa kanila ng mga enforcer.

Sa naturang miting, sumuporta sa nasabing hakbang ang mga dumalong public transport group, motorcycle riding group at automobile association.

Binigyan din ng MMDA ng isang linggo ang mga stakeholder upang maghain ng komento sa hindi pa natatapos na guidelines para sa paggamit ng body camera.

Metro

Kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease sa QC, pumalo na sa 81!

Sakaling maaprubahan na ang guidelines sa susunod na pagpupulong ng Metro Manila Council, posibleng maipatupad na ang paggamit ng camera sa susunod na buwan.