Bentang-benta sa netizens ang naging hirit ng social media personality na si Mimiyuuuh sa kilalang content creator na si Erwan Heusaff, kaya’t maging ang asawa niyang si Anne Curtis, nagbigay-komento rin.

Sa Instagram post ni Mimiyuuuh kahapon ng Huwebes, Hulyo 6, mapanonood ang kaniyang teaser video para sa bago niyang vlog na may titulong “SUSHI COOK OFF WITH ERWAN!”

Pinaka-highlight ng nasabing teaser video ay nang tanungin ni Mimiyuuuh si Erwan ng “Do you love kewpie?” aniya.

Sagot naman ni Erwan na gusto niya rin ang kewpie.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

“I love kewpie, yes. I like it a lot!” sagot ni Erwan.

May huling banat pa si Mimiyuuh na, “Ito lang ang kewpie na kinakain ko.”

Kinagiliwan ng netizens ang nasabing teaser video dahil hinding-hindi maitatangging halos magkatunog ang kewpie na ginamit nilang ingredients sa sushi at ang “kipay” na tawag naman sa maselang parte ng katawan ng babae.

“TAKOT AKO SA KEWPIE SIR @erwan 🥲 🚨 NEW VLOG PO! 🚨 SUSHI COOK OFF WITH ERWAN! Link in my bio po. ENJOY PO!” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Samu’t saring komento naman ang mababasa sa comment section:

“It’s the K-drama effect po! Nakaka inspire naman ito.”

“GUSTO KO DIN TIKMAN ANG KEWPIE!!!!!”

“Hala baket kinilig ako.”

“Same sis yan lang din yung kipay (kewpie) na kinakain ko LOL.”

“Now this is what you call second leads in Kdramas.”

“Akala ko kyoo pee pronunciation nito.”

Maging ang asawa ni Erwan na si Anne Curtis ay nagbigay-komento rin:

HAHAHAHAHA! Here for this!” anang Anne.

Mapanonood naman ang full video sa YouTube channel ni Mimiyuuuh.