Nagbanta ang Twitter owner na si Elon Musk na idedemanda ang Meta ilang oras matapos ilunsad ng Instagram parent company ang bagong text-based social media platform na “Threads.”

Sa ulat ng Agence France-Presse, isang sulat umano ang ipinadala kay Meta CEO Mark Zuckerberg nitong Huwebes, Hulyo 6.

Ayon sa sulat na inilathala sa online news outlet na Semafor, inakusahan ng abogado ni Musk na si Alex Spiro ang Meta ng "unlawful misappropriation of Twitter's trade secrets and other intellectual property."

Inakusahan ng naturang liham ang Meta ng pagkuha ng dose-dosenang mga dating empleyado ng Twitter na may access pa rin umano sa “trade secrets” at iba pang “highly confidential information” ng Twitter.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Matatandaang inilunsad nitong Huwebes ng Meta ang Threads na siyang pantapat daw sa Twitter.

MAKI-BALITA: Meta, inilunsad ‘Threads’ app na pantapat daw sa Twitter

Ilang oras matapos ilunsad ang naturang app, nag-tweet si Zuckerberg ng isang “meme” tungkol sa dalawang Spiderman cartoon na tinuturo ang isa’t isa, kung saan maaaring pinatutungkulan umano nito ang pagkakapareho ng Threads at Twitter.

Ang naturang tweet ang pinakaunang Twitter post ng Meta CEO mula Enero 2012.

MAKI-BALITA: ‘Matapos ilunsad ang Twitter rival na Threads’: Zuckerberg, nag-tweet ng ‘meme’

Ibinahagi rin ni Zuckerberg sa na nakatanggap na ng 10 million sign-ups ang Threads makalipas lamang ng pitong oras.

MAKI-BALITA: ‘Makalipas lamang ang 7 oras’: ‘Threads’ app, may 10M users na – Zuckerberg

Samantala, mayroong mahigit 200 million users ang Twitter kada araw.