Hindi raw akalain ni Manay Lolit Solis na naghahanap umano ng isang network si Willie Revillame na kukupkop sa kaniya. Samantala raw noong kasagsagan ng kasikatan ng TV host ay parang daw itong isang hari na hinahabol-habol.

 

Nabanggit ito ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes.

screenshot mula sa IG post ni Lolit Solis

screenshot mula sa IG post ni Lolit Solis

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

"Nakaka sad naman Salve mga nangyayari ngayon. Para bang gusto mo na lang isipin parang isang panaginip na lang ang mga nagaganap. Hindi mo aakalain na ngayon naghahanap ng isang network si Willie Revillame na kukupkop sa kanya. Samantalang nuon kasikatan niya para siyang hari o king na hinahabol habol," anang kolumnista.

"Maiisip mo ba na isang Willie Revillame malalaos at wala ng pumapansin? Hindi man lang siya napag usapan ng magkaruon ng issue ang mga afternoon shows dahil sa tapatan. Wala man lang naghanap sa isang Willie Revillame," dagdag pa niya. 

Matatandaang hindi na umeere ang Wowowin sa nilipatang network ni Willie na ALLTV, na pagmamay-ari ng kaniyang kaibigang si dating senador Manny Villar, at kasalukuyang gumagamit sa dating frequency ng Kapamilya Network noong may prangkisa pa.

Advice rin daw ni Lolit na mag-resign muna ito at bumalik na lamang daw kapag mayroon nang naghahanap sa kaniya. Mukha raw itong kawawa dahil wala rin aniya naghahanap sa TV host.

"Kaya nga ang advice namin sana mag retire muna siya at bumalik kung meron ng naghahanap sa kanya. Mukha naman kawawa ang isang Willie Revillame kung nandiyan siya at walang pumapansin di ba? Alam mo naman kung minsan harsh ang mga fans, pinapa feel nila sa iyo na you don't matter anymore," pahayag pa ni Lolit.

"Kaya nga ikaw mismo dapat tanggap mo ano talaga status mo. Kawawa naman si Willie Revillame kung wala ng sisigaw para sa kanya. At kung tutoo na bayaran iyon ibang sumisigaw, kahiya naman pag ganuon nga talaga di bah!" lahad pa niya.

Nabanggit din ni Lolit na nakipagmeeting pa raw umano si Willie sa mga Jalosjos, may-ari ng TAPE, INC..

"Naloka nga ako na bigla umeksena at nakipag meeting pa daw sa mga Jalosjos ang Revillame, at kung tutuo na siniraan pa raw ang mga hosts ngayon ng Bulaga bongga siya, ganda mg ugali niya ha, tirador talaga. Pero hayan nga, walang pumansin, walang nag effort na isali siya, as in waley, kaya dapat tanggapin na," aniya.

Gayunman tila may sey pa si Lolit patungkol kay Willie, aniya wala na raw itong radar at dapat tumahimik na lamang daw ito.

"Hindi na niya talaga panahon, wala na siya sa radar, dapat tahimik na lang siya at bilangin mga datung na naipon niya nuon. Mas maganda pa iyon, kesa parang pulubi na kumakatok sa mga pinto para mabigyan ng oras. No more time, pahinga muna. Mas bongga pa iyon di ba Salve at Gorgy. Mas bongga."

Matatandaang naitsika ni Cristy Fermin sa kaniyang programang “Cristy Ferminute” noong Hulyo 3, na naimbitahan daw pala ng magkapatid na Jalosjos si Willie na mag-guest sa “Eat Bulaga!” sa GMA Network upang mag-guest sana sa pasiklaban ng kanilang mga katapat na show, ang “E.A.T.” ng TVJ sa TV5, at “It’s Showtime” naman sa GTV noong Sabado, Hulyo 1, 2023.

Tsika ni Cristy, si Willie sana ang ipantatapat ng TAPE kina Megastar Sharon Cuneta na nag-iisang guest ng TVJ sa kanilang noontime show, at sa Kapuso stars na bumisita naman sa bonggang production number ng Showtime.

Samantala, tila nagbabadyang malapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Willie matapos niyang ibahagi sa opisyal na social media accounts ng kaniyang programa ang isang music video.

Ang nabanggit na music video ay pinamagatang “Babalik Ako!” na isinulat mismo ni Willie, at nilapatan ng musika ni Vehnee Saturno.