Tila nagmistulang kambal ang aktres-TV host na si Jolina Magdangal-Escueta at anak niyang si Vika Anaya sa kanilang twinning hairstyles.

Sa Instagram post ni Jolina kahapon ng Huwebes, Hulyo 6, makikita sa mga larawang ibinahagi nito ang kanilang “girls hang-out” sa salon.

Hindi man sila parehas ng hair color, pero parang pinagbiyak na bunga naman ang mag-ina sa kanilang twinning na full bangs.

Pinasalamatan naman ni Jolina ang salon sa laging pagpapabongga ng kanilang hair.

Eleksyon

Kontra Daya, iba pang grupo nagdaos ng kilos-protesta para kalampagin Comelec

“Thank you sa laging pagpapabongga ng hair ko, and thank you din kay ate na nag braid ng hair ni Vika.😊,” aniya.

Kamakailan ay naging emosyonal si Jolina dahil sa pagkawalay sa isa pa niyang anak na si Pele Iñigo.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/07/05/jolina-magdangal-naging-emosyonal-sa-pagkakawalay-sa-anak/