Spotted na magkasama ang dating “The Gold Squad” members na sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes, na kinakiligan ng netizens.

Sa Instagram post ni Kyle noong Miyerkules, Hulyo 5, makikita ang mga larawan na nasa yacht kung saan nakitang magkasama ang dalawa.

Mapapansing naka-akbay pa si Andrea sa balikat ni Kyle sa kanilang kuhang selfie na tila lalong nagpakita ng kanilang closeness.

👴🏼🙌🏼🔜 Get it… senior… high… SOON,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Kilig overloads naman ang netizens na nagbigay-komento:

“Kyledrea is backkk!”

“KYLEDREA COMING BACK!!”

“The friendship we need to protect!!”

“Our "mojo" hearts!”

“Love this era blythe in kyle friendship is back without any negative thoughts free in genuine not to cost any harm just happy hearts lang.”

“What if kayo pala talaga yung end game?”

“ANO BA GINUGULAT MO NAMAN KAMI!”

Matatandaang nabuo ang “The Gold Squad” dahil sa teleseryeng “Kadenang Ginto” na pinagbibidahan nila Seth, Francine, Kyle at Andea.