Masayang ibinahagi ng e-gamer at social media personality na si Tristan Cabrera o mas kilala bilang “Yawi”, ang kaniyang pagtatapos sa senior high school na naganap sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sa Instagram post ni Yawi ngayong Biyernes, Hulyo 7, makikita sa mga larawan ang kaniyang graduation kasama ang buo niyang pamilya.

Suot ang toga at gown, habang hawak ang kaniyang diploma, hindi maitatago sa kaniyang mukha kung gaano siya kasaya.

Waaah! ? Thank you Lord! ?? On to the next chapter! Hard work pays off! ?,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Natapos ni Yawi ang Accountancy, Business, and Management strand o ABM sa Mapua University.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nagpaabot naman ng kanilang pagbati ang kaniyang followers sa comment section:

“Congratulations.”

“Kabog, graduate!!!! PANO YAN?”

“Congratulations bro.”

“Grats boss!”

“Congrats idolll”

“Congratulations, Yawi! Awesome to see you pursue your esports career while finishing school!”

“Congrats yawiii.”

Unang nakikilala si Yawi sa pagiging basketball varsity player niya na kinalaunan ay sumabak na sa esports pro player na bahagi naman ngayon ng koponang “ECHO.”