‘With Honors? Nope. Pero with Aunor!’

Kinaaliwan ng netizens ang post ng instructor na si Vencel Sanglay, 27, mula sa Camarines Sur tampok ang isang grumaduate na estudyante sa kanilang unibersidad na may dalang tarpaulin ni Nora Aunor.

“So, ‘pag wala kang latin honor, dala ka na lang ng tarpaulin ni Nora Aunor,” caption ni sa kaniyang Facebook post.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Sanglay na abala siya sa pamamahala sa livestreaming ng kanilang graduation ceremony nang umagaw sa kaniyang atensyon ang pa-tarpaulin ng isang grumaduate mula sa kursong BS Mechanical Engineering sa kanilang unibersidad sa Camarines Sur Polytechnic Colleges.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Kaya naman, dali-dali raw niyang kinuhanan ng screenshots ang naturang tagpo.

“No’ng linabas niya ‘yung tarpaulin, na-touch ako kasi akala ko he was going to pay tribute to a deceased relative. Until I realized na si Nora Aunor pala ‘yung nakaprint and instantly got his joke,” kuwento ni Sanglay.

“He instantly earned the laughs of college officials, the teachers, his fellow graduates, and even the spectators.”

Hindi naman daw inasahan ni Sanglay na magva-viral ang kaniyang post at talagang kaaaliwan din ng netizens.

“Nagulat na lang po ako nung biglang dumami engagement and napansin na siya ng mga tiga-ibang lugar,” ani Sanglay.

“Thanks po sa idea,” hirit naman ng isang netizen sa comment section.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 5,000 reactions, 49 comments, at 1,300 shares ang naturang post ni Sanglay.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!