
(DSWD/FB)
DSWD, nagbabala vs fake Facebook account
Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa isang pekeng Facebook account na nagpapakalat ng mga pekeng update hinggil sa mga programa ng ahensya.
"Huwag magpalinlang! Ang nasabing account ay nagbibigay ng pekeng updates tungkol sa mga programa ng DSWD. Sinusubukan din nitong magpanggap na Kalihim ng Kagawaran at nananakot na i-hold ang kanilang “payout," ayon sa social media post ng ahensya.
"Hinihingi po ng DSWD ang inyong kooperasyon sa pag-report sa mga fake accounts gaya nito. Huwag basta-basta mag-like at mag-follow ng mga account na pinepeke ang accounts ng DSWD," pahayag pa ng DSWD.
Kaugnay nito, hinikayat ng ahensya ang publiko na bisitahin lamang ang opisyal na website ng ahensya sa https://www.dswd.gov.ph at sundan ang mga opisyal na social media account na Facebook, Twitter, at YouTube sa @dswdserves at Instagram sa @dswdphilippines upang maging updated sa mga programa nito.