Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:40 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 390 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 138 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.