Labing-siyam na pagyanig ang naitala pa sa Bulkang Kanlaon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nasa 300 metrong usok ang ibinuga ng bulkan at tinangay ng hangin pa-hilagang kanluran.

Nitong Hulyo 1, nagbuga ang bulkan ng 753 tonelada ng sulfur dioxide.

Probinsya

Rockfall events, PDCs, at pagbuga ng abo, patuloy binabantayan sa Mayon; ‘Alert Level 3,’ nakataas pa rin

Naobserbahan pa rin sa Kanlaon Volcano ang ground deformation o pamamaga nito.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa nakaambang phreatic explosions ng bulkan.