Sa edad na 60, natapos ng aktor na si Cesar Montano ang kursong Master in Public Safety Administration (MPSA) sa Philippine Public Safety College.

Ginanap ang kaniyang graduation ceremony sa Multipurpose Hall, PPSC Head Office, Old Balara, Quezon City.

Sa Facebook post ni Cesar kahapon ng Huwebes, Hulyo 6, makikita ang mga larawan niyang ibinahagi na kasama niya ang kapwa niya nagsipagtapos at ang mga kawani ng nasabing paaralan.

Hindi naman maitatago sa kaniyang mukha ang saya niyang nararamdaman na mapapansing talagang sinulit ng aktor ang pagkuha ng mga larawan.

Salute to everyone! Congratulations mates! MASTER in PUBLIC SAFETY ADMINISTRATION (MPSA) Graduates. @PHILIPPINE PUBLIC SAFETY COLLEGE ,” mababasang caption sa kaniyang Facebook post.

National

Castro, kinudang si Bato lang nakinabang sa gulo sa Senado!

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa comment section:

“Congratulations, Idol.”

“Congratulations everyone! specially sir Cesar!”

“Congratulations! keep up the amazing work and keep doing your best in life stay safe Derek and be happy always.”

“That's awesome! Congratulations.”

“Wow Congratulations po idol.”

“Congratulation Sir!”

“CongraTs boss cesar.”

Samantala, bibida sa TV remake ng “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” si Cesar. Makakasama niya rito ang celebrity couple na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes, na mapanonood sa TV5 simula Hulyo 10, 2023.