Limang tripulante ang nasugatan matapos masunog ang sinasakyang bangkang de-motor sa karagatang bahagi ng Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Kaagad na isinugod sa Zamboanga City Medical Center ang limang crew members matapos malapnos ang kanilang katawan.
Nailigtas din ng Coast Guard District Southwestern Mindanao ang tatlo pang tripulante.
Sa report ng PCG, patungo na sana sa Baluk-Baluk Island sa Basilan ang walong tripulante, sakay ng kanilang bangka mula sa Barangay Rio Hondo, Zamboanga City, dakong 7:50 ng gabi nang bigla itong sumiklab.
Tinatayang aabot sa 100 litro ng gasolina ang karga ng bangka nang maganap ang insidente.
Tinulungan naman ng PCG ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang maapula ang sunog.
Pagkatapos ang insidente, ininspeksyon ng PCG ang lugar at negatibo ito sa oil spill.
Probinsya
Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!