ISABELA - Tatlong menor de edad at dalawang iba pa ang nalunod sa Cagayan River matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Barangay Naguilian Sur, City of Ilagan nitong Biyernes.

Sa ulat na natanggap ng Ilagan City Police Station, nakilala ang mga nasawi na sina Mervin Balubar, 36; Crisel Alvarez, 43; Andrea Balubar, 5; Reniel Dela Cruz, 9; at Mark E.A. Catolico, 6, pawang taga-Brgy. Naguilian Sur. 

Nakaligtas naman sa insidente ang lima nilang kasamahan na sina Ronaldo Ballesteros; Beverly Alvarez, 16; Mary Joy Alvarez, 6; Cristine May Balubar, 9, at Angeline Balubar, 30, taga-nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa lugar ang mga ito lulan ng bangka upang kumuha ng kabibe.

Matapos makakuha ng halos isang sako ng shellfish ay tumawid na sa ilog ang mga ito.

Gayunman, tumaob ang kanilang bangka kaya nalunod ang lima sa mga ito.

Probinsya

'Di sinanto! Libingan ng dating vice mayor, binasag at pinagnakawan!