Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Zambales nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:16 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 26 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Palauig, Zambales, na may lalim na 46 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City.

National

Romualdez, nakiramay sa mga biktima ng bagyong Kristine

Samantala, naitala ang Instrumental Intensity III sa Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino, Zambales.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.