Iginiit ng isang eksperto mula sa World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules, Hulyo 5, na kinakailangan ng agarang aksyon para maiwasan ang panganib ng climate change sa kalusugan.

Sa ulat ng Xinhua, binigyang-diin ni WHO Regional Director for Europe Dr. Hans Kluge na tinatayang 1.4 milyong pagkamatay taun-taon sa rehiyon ng Europa ang nauugnay sa environmental risk factors, at halos kalahati nito ay sanhi ng polusyon sa hangin.

Samantala, mahigit 20,000 indibidwal umano ang nasawi noong nakaraang tag-araw dahil sa labis na init ng panahon.

Ayon pa kay Kluga sa ulat ng Xinhua, 77 milyong katao sa rehiyon ang kulang sa ligtas na maiinom na tubig.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"We are moving far too slowly, seriously jeopardizing our ability to achieve the Sustainable Development Goals by 2030,” ani Kluge.

"Action needs to be taken by governments. Action needs to be taken by partners. Action needs to be taken by all of us as individuals," dagdag niya.