Sinaklolohan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian na tripulante ng MV Fomento 2 nang hindi nito sinasadyang maputol ang daliri 8.3 nautical miles o mahigit 15 kilometro mula sa Virac, Catanduanes nitong Hulyo 5.

Sa social media post ng PCG, kaagad nilang inilikas ang nasabing tripulante na nagtatrabaho bilang bosun, mula sa nasabing barko at isinugod sa Catanduanes Doctors Hospital.

Sa report ng PCG, patungo na sana sa Port Hedland, Australia ang nasabing Singaporean-registered bulk carrier mula sa Baoshan Port sa China nang maganap ang aksidente.

Paliwanag ng Coast Guard, nagresponde sila sa naturang barko upang magsagawa ng medical evacuation, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa aksidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ng PCG, ligtas na ang pasyente at isasailalim na lamang ito sa operasyon.