Trending ngayon ang bagong text-based social media platform ng Meta na “Threads” sa kalaban nitong Twitter.
Ito ay ilang oras lamang matapos ang ilunsad ang naturang app nitong Huwebes, Hulyo 6,
MAKI-BALITA: Meta, inilunsad ‘Threads’ app na pantapat daw sa Twitter
Ibinahagi rin ni Meta chief executive at Facebook founder Mark Zuckerberg na sa loob lamang ng pitong oras, 10 milyon na umano ang nag-sign up sa naturang bagong app.
Habang sinusulat ito, mayroon nang 1.64 million tweets ang “Threads” at nananatiling trending sa Pilipinas.
Kasabay nito ay nag-trending din sa Twitter mismo ang “Bye Twitter” kung saan habang sinusulat ito’y mayroon nang 41,800 tweets.
Inilunsad ng Meta ang Threads sa gitna ng mga isyu umano sa Twitter na pinamamahalaan ni Elon Musk.
Kamakailan lamang, inanunsyo ni Musk na pansamantala nilang nililimitahan ang bilang ng tweets na maaaring makita o mabasa ng isang user kada araw.
MAKI-BALITA: Twitter, nilimitahan bilang ng tweets na pwedeng makita ng users kada araw