Naitala ngayong linggo ang pinakamainit na temperatura sa buong mundo, ayon sa datos mula sa United States National Centers for Environmental Prediction (NCEP).

Sa ulat ng Xinhua, nakasaad sa datos ng NCEP na umabot sa 62.92 degrees Fahrenheit (17.18 degrees Celsius) ang average na temperatura ng mundo noong Martes, Hulyo 4.

Ang naturang temperatura na umano ang naitalang pinakamainit na panahon mula noong 1979.

Ayon sa mga eksperto, ang naiulat na init ng panahon ay sanhi ng maraming kadahilanan, kabilang na ang global warming, pagbabalik ng pattern ng El Niño at ang pagsisimula ng tag-araw sa northern hemisphere.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nakita rin umano sa datos mula sa U.S. National Oceanic and Atmospheric Administration na patuloy na tumama ang mga mapanganib na antas ng init ng panahon sa Timog, Kanluran at Gitnang Kanluran ng US nitong Miyerkules, Hulyo 5.